Custom Search
/* Footer ----------------------------------------------- */ #footer { width:660px; clear:both; margin:0 auto; padding-top:15px; line-height: 1.6em; text-transform:uppercase; letter-spacing:.1em; text-align: center; } -->

Monday, October 10, 2005

BALITA

Parang nakikikinig lang ako ng radyo sa isang tropikong umaga dyan sa Camaman-an, Cagayan de Oro bago ang hedlayns ni Mang Joe Taruc sa DZRH at kape sa ala-singko, kahit mag-aala-una na ngayon nang bukangliwayway dito malapit sa disyierto, sa West Bank, Palestina, (habang) pinapakinggan ko ang manunulat at peryodistang si Benjamin Pimentel sa San Francisco, California na nag-iinterbyu kay apl.de.ap alias Allan Pineda ng grupong hip-hop sa L.A. na pinagngalanang Black-Eyed Peas.

Anong pinakamahirap sa yo paglipat dito sa Amerika? Gaano ka ba kadalas umuuwi sa atin ngayon? Do you think of going back there, you know, to live? What are the things that surprise you? When you go home to Sapang Bato sa Pampanga, first, where do you go? It sounds like you miss a lot, eating with your fingers, eating balut, what you do in the provinces, is that accurate that you miss a lot of those?

Simpleng mga tanong at simpleng mga sagot.

Nagtelebabad. Nagtatawanan. Laughter.

They spoke of

home, family, nanay,
country,
death, living, creating,

Song.

Pare! Chicken adobo, palengke, sinigang, hipon, balut, beer.

Kayud, kamay, kapatid, kanto, kultura
. Matters.

What matters. Most.

I-try nga ninyong pakinggan. Bagong pakulo ito sa internet na ang tawag ay podcast. Ito'y naka-blog sa website ng peryodikong San Francisco Chronicle,

"radio-to-go," 'ika nga ng BBC, ala McDo, kung ang kwento't balita'y fried chicken o burger... mabibitbit mo, ida-download mo kung kailan mo gusto, pakikinggan mo kahit saan ka man.

Ang linya nila'y : "Listen to your newspaper." Ang mga kwento sa likod ng mga kwento. Ang blog ay – paano ba ito i-explain sa inyo d'yan, Manong Peter sa Sumilao, Bukidnon?

--- Parang baon na nakabalot sa dahon ng saging na pwedeng mong pakpakin kung saan ka man datnan ng gutom.

Yon nga lang, hindi ito tungkol sa gutom, at walang dahon ng saging. Basta. Ito'y tungkol sa ibang dimension ng gutom, sa ibang uri ng pagkain.

Parang radyo na naka-record, at pagkatapos yung record ang naka-bodega sa isang lugar na kahit saan mo mabubuksan; ganun na nga, kung alam mo paano mabubuksan. (Naku, mag-explain na naman kaya ako dito tungkol sa digital divide? Mamaya, na.)

Lahat ng Pilipino may palayaw.... Ako, aaminin ko sa yo ang palayaw ko sa amin sa Cubao, ay Boying. Ikaw? Ang palayaw ko sa Sapang Bato ay, tadaaan...ay....

Para silang magkakapatid, parehas na nanggaling sa hiwa-hiwalay na mga isla sa arkipelago ng mga kwento't kwentista.

Itong si Boying, a.k.a. Benjamin Pimentel, may kasaysayan ng pagka- Hudeyo (o, mas tumpak, na ayon sa kwentong nakagisnan niya ang kanyang Lelong sa tuhod na Intsik na galing Shanghai, Tsina ay sa kabutihang palad ay nakasabay sa paglalakbay nitong isang paring Kastila na migranteng taga-Nazareth o Nablus kaya parehas na silang ka-apelyedo pagdating sa Bicol…gawagawa ko lang ito, pinapalamuti-an, tsismis baga, di-balita – pero maniwala ka – may sariling coat-of-arms pa sila doon sa Museum of the Diaspora sa Tel Aviv, mazeltov!)

At tubong-Cubao, Quezon City -- sa kanyang mga reportage, may kakaibang kakayahan na gawing payak at madaling maintindihan ang mga bagay-bagay kahit na ito'y tungkol sa mga kumplikadong kababalaghan ng siyensya at teknolohiya.

Tungkol sa magiging anyo ng mundong ito sa hinaharap na kinabukasan.

Tungkol sa mga imbensyon, mga makinang kumukuha ng lakas galing sa liwanag,
ang mga bagong henerasyon ng mga napaka-concise na mga relos sa Olympics na akala mo gawang-langit,

a contraption that heals the broken knees of marathon runners and athletic horses,

ang x-ray na nag-explore sa kaloob-looban ng mummy na nakabalot sa pitong-libong patong
ng kababalaghan, galing pa sa Ehipto, 'dun sa museum sa Unibersidad ng Stanford sa syudad ng Mountain View.

O kaya'y mga pangyayari ukol sa kababalaghan na palayaw ng tuwa sa pagiging tao man lamang.

Tungkol sa mamang mang-aawit, who found a final epiphany in watering poinsettias on Crookedest Road.

Ang tungkol sa sariling epiphany ni Boying bilang bagong Ama, habang maingat niyang iniuwi ang kanyang asawa't ang kanilang bagong-silang na first-born pagkagaling pa lang sa ospital sa Amerika.

Gaano ka kadalas umuuwi sa atin ngayon? Do you think of going home, you know, to live there? Ano ang pinakamahirap sa yo paglipat dito?

Tama kaya ang kutob ko na ito rin ang mga tanong na gusto ni Boying na itatanong sa kanya?
O kaya'y mga tanong sa kanyang sarili na lagi't-lagi naman niyang sinisikap na sinasagot sa tuwing dumarating ang mga bihirang pagkakataong uma-ambon ng lungkot?

O kaya'y kung ang pagnanasa na tuluyang makauwing-bayan ay dumadaloy tulad ng tren sa BART, dumadaloy at mananahanang-pansandali sa mga matatag na riles ng kanyang mga tagumpay doon sa San Francisco, California?

At, pakiwari ko – ano kaya kung ako ang peryodistang magtatanong at magbabalita sa inyo?

Anong payak na mga sagot sa payak na mga tanong ang maaaring mapapakinggan ninyo na parang balitang pang-umaga kahit kailan ma-i-da-download sa MP3, kahit saan mang sulok ng ating patuloy na lumalawak na daigdig ng mga kwento't balita,

Mga kwento't balita na tulad ng tinapay, chapati man o pandesal, na maaring isa-sawsaw natin sa kape ng pag-alala?

"Hoy, hoy, wassalam wallaikum! wallaikum wassalam!
Hoy, hoy, taga-Cubao na ngayon ay taga-San Francisco na rin,
Anong kapiraso ba talaga ng kaluluwa mo ang naiwanan sa bansang iniwan?
At bakit mo pa ba ito kailangang balik-balikan? Alam mo ba?

Alam mo kaya? Alam mo?"

0 comments: